Monday, March 3, 2008

Transcript of President Arroyo’s interview with Joe Taruc of DZRH on the ZTE deal last 23 February 2008

(EXCERPT)

TARUC: Isa sa mga nasa isipan pa ng ating mga kababayan at ang pinag-uusapan ngayon tungkol doon sa broadband contract. Ano po ba talaga ang malinaw na nangyari dito? Ito po ba ay kinansela, sinuspinde o ano po ba ang talagang estado nito, Madam President?

PGMA: Alam mo Joe, talagang para sa akin, una sa lahat, hindi ko gusto ang katiwalian. Ang taumbayan galit sa katiwalian, ganoon din ako. Galit din ako sa katiwalian. Kaya itong proyektong ito, oras na may pag-uusap na may anomaliya ay agad-agad kong kinansel na, ah ano, agad-agad gumawa ako ng hakbang para kanselahin. Ang isa sa mga hakbang na ito ay kailangang kakausapin muna ang gobyerno ng China dahil sila naman ang ating pinakamalaking ah, pinakamalaking market ngayon sa export. So, at hindi lamang iyon, dinagdagan natin ang pondo ng Ombudsman para lalong mapalakas ang kanyang bantay kontra sa kurakot at direkto tayong kumilos diyan sa sinabi ko sa iyo na, yung tinanong mo sa akin pala na tiyakin na masusing subaybayan ang lahat ng ganoong proyekto ng mga mamamayang tumatanod para makasiguro na walang katiwaliang mangyayari.

TARUC: Ibig sabihin kanselado na iyong broadband project?

PGMA: Kanselado na yun matagal na. Oras nga na may sumbong sa akin, tinignan ko na yung paraan kung paano kanselahin. Nasumbong sa akin the night before the signing of the supply contract, pero hindi pa naman kasi but that was only one of many signings. So, e papano mo naman maka-kansel the night before meron kang ibang bansang kausap? Isang gabi. So tinuloy ang signing pero sa unang pagkakataon kinausap ko na agad yung pangulo ng China para sabihin sa kanya na kailangan kanselahin yung proyekto.

TARUC: Naunawaan naman nila?

PGMA: Sa umpisa hindi masyado, nagulat, pero sa pangalawang pag-uusap ko sinabi na naiintindihan niya at magkaibigan pa rin tayo kahit na kakanselahin yung proyekto.###

No comments: